-- Advertisements --
Muli na namang kinansela ng Germany ang kanilang taunang Oktoberfest beer festival.
Ito na ang pangalwang taon na pagkansela ng bansa ng nasabing kaganapan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Munich Mayor Dieter Reiter na mahirap maisapalaran ang kalusugan ng mga tao dahil tiyak na marami ang pasaway sa event.
Kada taon kasi ay nasa mahigit isang milyon ang dumarayo sa lugar kung saan nakakadagdag ng $1.4 bilyon sa kanilang ekonomiya.
Ang 211 taon makasaysayang event ay sikat sa bansa dahil bukod sa beer ay mayroong mga iba’t-ibang palabas.
Hindi lamang ito ang unang beses na nakansela dahil base sa kasaysayan ng event ay 26 beses na itong nakansela.