Kinansela na ng organizer ng Oktoberfest sa Munich Germany dahil sa coronavirus pandemic.
Bagamat nakatakda sana ito sa Septembre 19-Oktubre 4 sa Munich, ay minabuti ng mga organizer na kanselahin na lamang ito.
Sinabi ni Markus Soeder, German premier, na masakit sa kanilang kalooban ang nasabing desiyson at isa itong malaking kahihiyan.
Dinarayo ng mga dayuhan ang nasabing kasiyahan kung saan nag-iinuman ang mga ito habang nanonood ng mga tumutugtog na banda bukod pa sa mahigit $1.1 billion ang perang dinadala nito sa kanilang bansa.
Magugunitang niluwagan ni German Chancellor Angela Merkel ang lockdown na ipinatupad noong nakaraang buwan subalit ipinagbawal pa rin nito ang mga pagsasagawa ng kasiyahan kung saan magtitipon ang mga tao hanggang Agosto 31.