-- Advertisements --
OSORNO, Chile – Hawak ngayon ng mga scientist sa Chile ang natagpuang bakas ng paa na may 15,600 taon ang tagal.
Para sa mga eksperto, senyales ito na may mga umiiral nang tao sa teritoryo ng America kahit noong mga unang panahon.
Ang nasabing bakas ay nakita sa Pilauco excavation sa lungsod ng Osorno, 820 kilometro o 500 milya sa katimugan ng Santiago, kung saan nagsimula ang paghuhukay noon pang 2007.
Natuklasan ito taong 2011, ngunit gumugol ng mahabang mga taon ang paleontologist na si Karen Moreno at geologist na si Mario Pino para mapagtibay na bakas nga ng tao ang kanilang natagpuan.
Sa pagsusuri, yapak umano iyon ng isang taong may bigat na 70 kilo at kabilang sa Hominipes Modernus o malapit na sa Homo Sapiens. (AFP)