NAGA CITY – Pinuno ng iba’t ibang mga aktibidad ang bayan ng Daet, sa lalawigan ng Camarines Norte kasabay ng pagunita ng ika-123 taong anibersaryo ni Dr. Jose Rizal.
Nabatid na sa bayan ng Daet matatagpuan ang kinokonsidera bilang oldest Monument of Rizal sa buong mundo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Don Culvera, tagapagsalita ng lokal na pamahalaan ng CamNorte, sinabi nitong, ilang araw pa bago ang Rizal Day, marami ng mga aktibidad ang isinagawa nila na may kaugnayan sa naturang okasyon.
Ayon kay Culvera, taong 1899 ng unang ipinatayo ang naturang monumento kung saan mahigpit ang ginagawang pag-preserba dito ng gobyerno habang may mga provincial guards din aniyang nakabantay sa lugar para matiyak na maayos ang kalagayan nito.
Aniya, ang naturang ‘Oldest Monument of Rizal’ ang kasama na rin sa mga tourist destination sa lalawigan kung saan amarami ang bumibisita ritopara makita ang pinakaunang monumento na ipinatayo matapos ang pagkamatay ng pambansang bayani.
Samantala, sa buwan Abril, muling magsasagawa ng malaking aktibidad para sa Bantayog Festival o ika-100 years ng naturang bayan kung saan sentro parin nito ang naturang monumento ni Rizal.