Tinalo ni Oleksandr Usyk si Tyson Fury sa kanilang ikalawang pagkikita sa boxing ring.
Nakuha ni Usyk ang unanimous decision na panalo sa laban na ginanap sa Saudi Arabia.
Dahil dito ay nananatiling wala pa rin itong talo sa dalawang division.
Magkakaparehas na binigyan ng judges na 116-112 ang Ukrainian boxer para ibigay ang ikalawang pagkatalo kay Fury.
Mayroon ng 23 panalo at wala pang talo si Usyk na mayroong 14 knockouts habang si Fury ay mayroong 34 panalo, dalawang talo at isang draw.
Unang tinalo ni Usyk si Fury noong buwan ng Mayo at humirit pa ito ng rematch.
Taong 2022 ng ianunsiyo ni Fury ang kaniyang pagreretiro sa boxing at ito bumalik muli sa laban matapos ang ilang buwan.
Kinuwestiyon naman ni boxing promoter Frank Warren ang desisyon ng mga judges subalit minaliit lamang ito ni Usyk.
Nanguna naman si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na bumati sa kaniyang kababayan na boksingero.
Naging sundalo kasi si Usyk na siyang lumaban din ng sakupin sila ng Russia.