-- Advertisements --

Tinalo ni s Oleksandr Usyk si Tyson Fury para makuha ang pagiging unang four-belt undisputed heavyweight champion.

Pumabor ang dalawang judge sa Ukrainian boxer 115-112 at 114-113 habang ang isa ay sa British boxer 114-113.

Dahil dito ay nakuha ni Usyk ang split decision sa laban na ginanap sa Saudi Arabia.

Nakuha ni Usyk ang WBC belt kay Fury na nadagdag sa kaniyang WBA, WBO at IBF collections.

Ito ang unang pagkatalo ng 35-anyos na si Fury sa 16-taon professional career nito.

Agad ito ng humirit ng remach dahil sa sa hindi kuntetnto sa naging resulta ng laban.