-- Advertisements --

CEBU CITY – Wala raw munang komento ang police provincial director ng Negros Oriental matapos niyang matanggap ang relived order mula sa Philippine National Police (PNP) Headquarters sa Camp Crame.

Kasunod ito ng imbestigasyon sa nangyaring simultaneous police operation sa Negros Oriental na ikinasawi ng 14 na diumano’y mga supporters ng New People’s Army (NPA).

Ayon sa hepe nito na si Police Colonel Raul Tacaca, pansamantala silang magrereport sa Police Regional Office-VII headquarters sa Camp Sergio Osmeña sa Cebu City habang hinihintay niya ang order kung saan siya ire-reassign.

Napag-alaman na maliban kay Tacaca, na-relieve rin sa kanilang puwesto sina Canlaon City Chief-of-Police Col. Patricio Degay, Manjuyod Chief-of-Police Lt. Roy Mamaraldo, at Sta. Catalina Chief-of-Police Capt. Michael Rubia.