Ipinagdiwang ng Filipino-American pop star, Olivia Rodrigo ang kanyang ika-22 kaarawan na nagpasalamat naman sa magagandang karanasang natamo nito.
Ang hitmaker ng “Vampire” ay nagbahagi ng kanyang pasasalamat sa pagmamahal, sa pagbibigay oras ng mga kaibigan, musika, at kahit sa spaghetti na kinain nito.

Sa Instagram post ibinahagi ni Olivia ang mensahe ng pasasalamat sa kanyang mga tagasuporta, at sinabi, ‘Thank you for all the birthday wishes! I feel like the luckiest girl alive! Cheers to 22!’
Ibinahagi rin niya kung paano siya nagdiwang ng kanyang kaarawan kasama ang mga kaibigan at mga kasamahan sa musika tulad nina Conan Gray, Laufey, Joe Locke, Iris Scot, at Madison Hu.
Bilang isang espesyal na sorpresa, nakatanggap din si Olivia ng pagbati mula kay Rosé ng Blackpink.
Samanatala kamakailan lang ay na-nominate ang pop star para sa Best Song Written For Visual Media nang 67th Grammy Awards para sa kanyang kantang “Can’t Catch Me Now” mula sa pelikulang The Hunger Games: The Ballad of Songbirds & Snakes.
Maaalalang bumisita si Olivia sa Pilipinas noong Oktubre 2024, kung saan sold-out ang concert nito sa Philippine Arena bilang bahagi ng kanyang GUTS World Tour. Ibinahagi niya rin ang kanyang karanasan sa Pilipinas, at pinuri ang mga Pilipino sa kanilang talento sa pag-kanta.
Para kay Olivia, ang kanyang pagbisita sa Pilipinas ay isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng kanyang tour, hindi lang dahil sa natatanging may dugo itong Pinoy kundi pati na rin sa mga naranasan niya sa bansa, kabilang ang isang boodle fight at paglibot sa Intramuros kasama ang kanyang kasintahang si Louis Partridge na isang British na actor.