-- Advertisements --

Nakakuha ng limang nominasyon sa MTV Video Music Awards ang Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo.

Sa kaniyang social media account ay masayang inanunsiyo nito ang magandang balita.

Ibinahagi nito ang mga listahan kung saan ito nominado at maging ang link para makaboto ang kaniyang mga fans.

Ilan sa mga nominasyon nito ay ang best pop, best cinematography, best editing, song of the year at ang video of the year para sa kaniyang kantang “Vampire”.

Ang kanta kasi nitong “Vampire” ay inilabas noong Hunyo 30 at naging number 1 sa Billboard Hot.