Tinanghal bilang Woman of the Year ng Billboard si Filipino-American singer Olivia Rodrigo.
Unang inanunsiyo ng Billboard noong Pebrero 4 ang pagkapili kay Rodrigo.
Itinakda naman sa Marso 4 ang paggawad sa kaniya ng award na gaganapin sa Billboard Women in Music Awards sa darating na Marso 2 sa You Tube Theater, Inglewood California.
Ayon sa Billboard na humanga sila sa naging pagsisimula sa musika ni Rodrigo kung saan mabilis na nakasakay ang lahat ng mga age group sa kaniyang musika.
Bumandera ang pangalan ni Rodrigo noong 2021 sa kanta nitong “drivers license” kung saan matapos ang ilang linggo ay naging numero uno ito sa Billboard charts.
Nakakuha rin ito ng mga nominasyon gaya ng Song of the Year ng 2021 MTV Video Music Awards at 2021 Apple Music Awards.
Siya ang magiging unang honoree ng Woman of the Year at unang Asian-American artist na makakatanggap ng nasabing award.
Ilang mga kilalang singer na rin ang nakatanggap ng nasabing pagkilala gaya nina Cardi B, Lady Gaga, Ariana Grande, Madonna, Pink, Katy Perry, Fergie, Taylor Swift, Beynoce, Ciara at Reba McEntire.