-- Advertisements --

Dumating na sa bansa si Grammy award winner Olivia Rodrigo.

Magsasagawa kasi ang Filipino-American ng kaniyang “GUTS” concert sa darating na Oktubre 5 sa Philippine Arena.

Pagkatapos ang “GUTS” tour nito sa Singapore.

Kasama nitong dumating sa bansa ang rumored na boyfriend nito na British actor Louis Partridge.

Ito ang unang pagkakataon na bumisita ang singer sa Pilipinas.

Magugunitang una ng sinabi nito ang kita sa kaniyang concert ay mapupunta sa kaniyang charity na Fund 4 Good na isang samahan na magbibigay ng magandang kinabukasan sa mga kababaihan.