-- Advertisements --

Pasok sa listahan ng Forbes “30 Under 30” ang Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo.

Sa kaniyang Instagram post ay nagpost ito ng larawan na may cover ng Forbes sa ilalim ng music category.

Ang unang album kasi nito na “Sour” ay naging America’s favority breakup album na naging numero 1 sa Billboard 200.

Ilan sa mga pasok sa listahan sa music category ay sina Kid Laroi, Willow Smith at Tiashe.

Magugunitang mayroong pitong Grammy nominations na kinabibilangan ng Record of the Year, Artist of the Year at Song of the Year.