-- Advertisements --

Tinanghal bilang Woman of the Year ng Billboard si Filipino-American pop star Olivia Rodrigo.

Sa kaniyang mensahe, sinabi nito na hindi niya maipaliwanag kung gaano siya kasuwerte sa kaniyang singing career.

Kuwento pa nito na ang paggawa ng mga kanta ay paborito niyang ginagawa kung saan ito ang kaniyang emotional outlet.

Nagpasalamat ito dahil sa maraming mga tao ang nakakarelate sa kaniyang mga kanta.

Kaniyang pinuri ang mga kababaihan na nasa music industries.

Magugunitang pumatok sa publiko ang unang album nitong “Sour” kung saan sinabi nito ng may mga inaayos na siyang ibang mga kanta.