-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Filipino-American singer Olivia Rodrigo ang mga Pinoy fans na nanood ng kaniyang konsyierto sa bansa nitong Sabado.

Sa social media account ng singer, na itinuturing niyang isang “dream come true” ang makapagtanghal sa Pilipinas.

Lubos ang pasasalamat niya sa mahigit 55,000 katao na nagtiyaga para makapanood sa concert nito sa Philippine Arena.

Giit nito na mula pa noon ay kaniyang pinapangarap na ang magsagawa ng konsiyerto sa Pilipinas.

Itinuturing ng Grammy winner na ang Pilipinas ang may pinakamalaking venue sa kaniyang “GUTS” Concert.

Lahat aniya ng kita ng kaniyang P1,500 na halaga ng tickets ay mapupunta sa Fund 4 Good ng singer na siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa mga kababaihan.