-- Advertisements --

Masayang inanunsiyo ni Filipino-American singer-songwriter Olivia Rodrigo ang pagsasagawa niya ng konsiyerto sa bansa.

Gaganapin ito sa Oktubre 5 sa Philippine Arena.

Magsisimula naman ang bentahan ng tickets sa darating na Setyembre 14 ng alas-10 ng umaga.

Lahat aniya ng kikitain sa bentahan ng tickets ay mapupunta sa Fund 4 Good na isang global iniatives na tumutulong para sa libreng edukasyon ng mga babae at ang pagsuporta sa reproductive rights ganun din ang prevent gender-based violence.

Nagkakahalaga ang bawat tickets na P1,500 kung saan limitado lamang sa apat na tickets ang bibilhin kada isang tao.

Sa social media account ng singer ay masaya nitong ipinamalita ang nalalapit niyang concert.

Ang concerts nito ay bahagi ng kaniyang “GUTS” tour sa Asia at Australia.

Magsisimula itong mag-tour sa Asya mula Setyembre 16 hanggang Okutbre 1 at susunod ang Australia mula Oktubre 9 hanggang 18.

Si Rodrigo ay isinilang at lumaki sa California kung saan ang ama nito ay Filipino habang ang ina ay isang German-Irish.

Ang Grammy Award winner ay nagpasikat ng mga kantang “Drivers License” , “Traitor” at “DE JAVU”.

Noong nakaraang taon ay inilabas niya ang kaniyang ikalawang album.