-- Advertisements --
Olongapo City Mayor Rolen Paulino
Image © Olongapo City Mayor Rolen Paulino

Ipinaaaresto na ng Sandiganbayan si incumbent Olongapo City Mayor Rolen Paulino matapos hatulang guilty sa kasong graft.

Batay sa desisyon ng 2nd Division, kinatigan ng anti-graft court ang prosekusyon nang akusahan nito si Paulino na nakinabang sa pagmamadali ng lease of contract ng SM Prime Holdings Inc. sa Olongapo City Civic Center.

Ayon sa korte, paglabag ito sa nilalaman ng Republic Act 6567 na nagbibigay otoridad sa pribadong sector na manguna sa konstruksyon o maintenance ng isang infrastructure project sa lokal na pamahalaan.

Bukod kay Paulino, ipinaaaresto rin ang 15 opisyal na sangkot sa maanomalyang kasunduan.

Kabilang sa mga ito sina: Aquilino Yorac Cortez, Jr., Elena Calma Dabu, Benjamin Gregorio Cajudo II, Eduardo Guerrero Guerrero, Noel Yabut Atienza, Alruela Mauro Bundang-Ortiz, Edna Alviz Elane, Emerito Linus Dolantre Bacay, Randy Dela Cruz Sionzon, Egmidio Manzano Gonzales, Jr., Tony-Kar Balde III, Cristiflor Buduhan, Anna Marin Florentina Sison, Mamerto B, Malabute, at Joy Fernandez Cahilig.

Kapwa pinatawan ang mga ito ng tig-P30,000 na piyansa kapalit ng pansamantalang kalayaan.