-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating bantamweight world titleholder Alfred Kotey sa edad 52.

Sa pahayag ng World Boxing Organization, nalagutan ito ng hininga sa kaniyang bahay Bronx, New York at hindi na binanggit pa ang dahilan ng sakit nito.

Ipinanganak sa Bukom, Ghana noong June 3, 1968 na naging representative ng kaniyang bansa noong 1988 Seoul Olympics.

Taong 1994 ng naging fifth world champion ng Ghana at nanalo ito sa pamamagitan sa pamamagitan ng unanimous decision laban kay Rafael Del Valle ng Puerto Rico para makuha ang WBO bantamweight world title sa laban na ginanap sa London.

Tinawag din siya bilang “The Cobra” na mayroong record na 26 panalo, 16 talo, 1 draw na mayroong 17 knockouts na naging professional boxer noong 1988.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si World Boxing Council president Mauricio Sulaiman sa nasabing pagpanaw ni Kotey.