-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakigbahagi si 2020 Tokyo Olympics boxing silver medalist Carlo Paalam sa taunang paglunsad ng Dugong Bombo sa Cagayan de Oro ngayong araw.

Kasunod ito ng patuloy na paglilikom ng dugo mula sa blood successful donors na kasalukuyang isingawa sa gym ng University of Science and Technology of Southern Philippines ng syudad.

Sinabi ni Paalam na nakikita na niya ang kahalagahan ng blood donation kaya hindi ito nagdalawang isip na tumugon sa Dugong Bombo nitong taon.

Sa kasalukuyan,nanatiling nangunguna pa rin ang Hilagang Mindanao sa running tally ng mga successful donors na nakalikom ng 401,180,450 CC ng dugo mula sa 450 na ka tao na pumunta sa proyektong Dugong Bombo.

Magugunitang tangkain ng Bombo Radyo CdeO na mapanatili ang pangunguna sa larangan ng mayroong pinakamaraming successful blood donors ng edisyong ito ng Dugong Bombo