-- Advertisements --

Nakahanda na ang mga boksingerong sina Carl Jammes Martin at Charly Suarezs sa pagsabak nila sa “Ultimate Knockout Challenge” sa darating na Disyembre 4 sa Elorde Sports Complex sa Paranaque City.

Ang 22-anyos na si Martin ay undefeated sa 17 professional fight nito na mayroong 15 knockout ay makakaharap si Philippine super-bantamweight champion Mark Anthony Geraldo.

Mayroong record si Geraldo na 38 panalo, siyam na talo, tatlong draw na mayroong 19 knockouts.

Makakaharap naman ni three-time Southeast Asian Game gold medalist at 2016 Rio Olympian si Delmar Pellio para sa 10-round superfeatherweight fight.

May record si Pellio na siyam na panalo at wala pang talo.