-- Advertisements --

Nagwagi ng gintong medalya sa Asian Kickboxing Championships 2024 si Paris Olympic boxer Hergie Bacyadan.

Nanguna si Bacyadan sa female K1- 75 kgs. category sa torneo na ginanap sa Cambodia.

Hindi na bago sa iba’t-ibang combat sports si Bacyadan dahil sa naging world champion na ito sa vovinam noong 2023 at dating silver medalist ng wushu.

Nakuha ni Bacyadan ang isa sa apat na gold medals na napanalunan ng Pilipinas.

Dalawa ay galing kay Jovan Medallo na nagwagi sa musical forms with weapon and musical form open hand crowns at isa naman kay Carlo Von Buminaag na nagkampeon sa men’s 67 kgs. low kick category.

Ilan din mga pambato ng bansa ang nagwagi ng medalya gaya nina Janah Lavador na mayroong tatlong bronze sa musical form with weapon, musical form without weapon, and creative form with weapon, bronze kay Renz Dacquel sa low kick female 48 kg., Lance Airon Villamer bronze sa point fighting 63 kgs male at Daryl Chulipas bronze medals a full contact 51 kg. male.

Magugunitang nabigo si Bacyadan kay Li Qian ng China sa middleweight class noong Olympic boxing sa Paris.