-- Advertisements --

Opisyal nang kumalas ang Filipino artistic gymnast na si Carlos Yulo sa KG Management Inc. nitong Sabado, Mayo 11, 2024.

Ito ay kasabay ng kaniyang mga paghahanda para sa nalalapit na Paris Olympics.

Ang pagwawakas ng ugnayan ni Yulo sa KG Management ay sinuportahan ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) Board, GAP Management, at GAP Coaching Staff.

Naglabas pa ng opisyal na pahayag ang grupo ukol sa hakbang ni Yulo na pirmado rin ng mga pinuno ng Gymnastics Association of the Philippines.

Si Yulo at iba pang mga atleta ay kwalipikado na para sa Paris Olympics ay binigyan pa ng pagkilala ng Philippine Sportswriters Association bilang outstanding achievers para sa Abril.