Natapos na ang kampanya ni Olympian taekwondo jin Kurt Barbosa sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Ito ay matapos na talunin siya ni Omonjon Otajonov ng Uzbekistan na nagtala ng 2-0 sa men’s 58 kg. round of 32.

Hawak pa ni Barbosa ang kalamangan sa unang round subalit mabilis na nakabawi ang Uzbek jin.

Nabigo rin ang pambato ng Pilipinas na si Veronica Garces kay Mobina Nematzadeh ng Iran sa womens’ 49 kgs. round of 16 sa score na 2-0.