Inamin ng kampo ni Olympic bound at paul vaulter champion EJ Obiena na kabado ito kung magpapabakuna laban sa COVID-19 bago ang pagsabak sa Tokyo Olympics.
Ayon sa kanyang ama na si Emmerson Obiena, malaking abala sa training ng kanyang anak kung sasailalim pa sa vaccination dahil nakalatag na ang matindi nitong training session.
Sinasabing ang Tokyo Olympics ay hindi naman nagdidikta sa mga sasaling atleta na magpabakuna.
Gayunman ang Philippine Olympic Committee (POC) ay meron na ring vaccination program para sa mga athletes hindi lamang ang tutungo ng Tokyo Olympics kundi maging sa Vietnam Southeast Asian Games.
Aminado rin naman ang nakakatandang Obiena na may mga napagtanungan ang kanyang anak na minsan ay may ibang epekto sa ilang athletes ang bakuna na inaabot ng 10 araw.
Kapag nangyari raw ito ay malaking abala sa puspusang preparasyon nila.
Kaugnay nito, napagdesisyunan na sasailalim na lamang sa bakuna si EJ kapag natapos na ang Olimpiyada.