-- Advertisements --

Abanse na sa “round of 16” ng Women’s Flyweight Division ang Pinay boxer na si Irish Magno.

Sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics ngayong araw ng Linggo sa Kokugikan Arena, natalo ni Magno si Christine Ongare na mula sa Kenya.

Isang unanimous decision victory ang nakamit ng pambato ng Pilipinas kung saan 5-0 ang iskor mula sa judges.

“She stuck to the fight plan and delivered with a flourish,” ang tweet ni Ed Picson na siyang secretary-general ng Philippines boxing federation.

Kasunod ng panalo ni Magno, dalawang Pinay na ang pasok sa round-of-16 kung saan ang isa ay si Nesthy Petecio.

Bukas, July 26, ang sunod na laban ni Nesthy kay Ling Yu Ting mula Chinese Taipei.

Habang si Irish naman ay makaka-face off si Jutamas Jitpong ng Thailand sa July 29 showdown.