-- Advertisements --
Natapos na ang tsansa ng Gilas Pilipinas para makapaglaro sa Tokyo Olympics.
Ito ay matapos na tambakan sila ng Dominican Republic 94-67 sa FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT) na ginanap sa Belgrade, Serbia.
Nahirapan ang Gilas sa kanilang opensa kung saan mula sa simula ng laro ay hindi na sila nakalamang sa nakalabang koponan.
Nasayang naman ang nagawang 16 points at tatlong assists si Jordan Heading habang mayroong 10 points at anim na rebounds si Angelo Kouame.
Magugunitang unang nabigo ang Gilas sa kamay ng powerhouse team na Serbia 76-83.