-- Advertisements --

Mainit na tinanggap ang Olympic flag sa Los Angeles, California para sa Summer Olympics 2028.

Dumating ang watawat sa Estados Unidos nitong nakaraang araw.

Ang bandila ng Olympics ay napaligiran ng palm tree na nilagyan din ng pinta ng “LA28”.

Sinalubong naman ng masiglang hip-hop music ni Tupac ang pagdating nito sa US, kasama ang kanilang mga atletang sumabak sa Paris Olympic 2024.

Ayon sa US Olympic Committee, agad na nilang sisimulan ang paghahanda para sa susunod na biggest sporting event, kahit apat na taon pa bago ang muling pagdaraos nito.