-- Advertisements --

Dinumog ng libu-libong katao ang apoy ng 2020 Tokyo Olympics cauldron na nasa hilagang-silangang bahagi ng Japan ngayong weekend.

Sa kabila ito ng mga pangamba dahil sa coronavirus pandemic.

Ayon sa mga organizers, umabot sa 50,000 katao ang nagtiis sa 500-metrong pila ng ilang oras masilayan lamang ang Olympic flame na nakabalandra sa Sendai station sa Miyagi.

Ang nasabing lokasyon ay napili upang maging bahagi ng “Recovery Olympics” na nagpapakita ng pagbangon ng rehiyon mula sa mapaminsalang 2011 earthquake, tsunami, at nuclear meltdown.

Nagbabala naman ang mga organizers na posibleng suspindehin ang viewing event sakaling lumaki pa ang bilang ng mga tao.

Magsisimula ang nationwide torch relay sa Marso 26, at mag-uumpisa sa J-Village sports complex sa Fukushima. (AFP)