-- Advertisements --
Olympic flames
Olympic flames ceremony

Dumating na sa Japan ang Olympic flame.

Mula sa Athens, Greece ay lumapag ang eroplano na pinagsakyan nito sa Matsushima defence force base ng Japan.

Bagamat maraming mga tao ang sumaksi ay nagkaroong lamang ng maiksing seremonyas sa pagsindi nito sa Olympic cauldron.

Pinangunahan ni three-time Olympic gold medalists Judo champion Tadahiro Nomura at wrestler Saori Yoshida ang pagsindi ng cauldron.

Muling tiniyak ng mga organizers na tuloy pa rin ang nasabing Olympics.