-- Advertisements --

Dumating na sa Tokyo ang Olympic flame dalawang linggo bago ang pormal na pagsisimula ng Olympics.

Isinagawa ang torch relay kahit walang mga tao o audience na nanood matapos na ipagbawal ng gobyerno ng Japan dahil sa pagkalat ng COVID-19.

Ipinsakamay ang Olympic Flame kay Tokyo Governor Yuriko Koike.

Sinabi ng Tokyo Governor na handa na nilang ipakita sa buong mundo ang kakayahan nila na hawakan ang Olympics.

Magugunitang nagdesisyon ang gobyerno ng Japan na pagbawalan ang mga audience sa panonood ng mga laro sa Olympics matapos na isailalim ang Tokyo sa state of emergency dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.