-- Advertisements --

Sinuportahan ni Olympic gold medalist Caitlyn Jenner ang kautusan ng isang opisyal ng New York na pagbawalan ang mga female sports teams na may transgender na atleta na gumamit ng knailang pasilidad.

Ang nasabing ban ay para sa 100 athletic facilities sa Long Island City.

Sinabi Jenner na ang pagpayag sa mga transgender athletes sa mga sports na pambabae ay sumisira sa mga sports na pambabae.

Dagdag pa nito na mahalaga na tapusin na ang nasabing gawain na ito habang maaga pa.

Taong 2015 ng ibunyag ni Jenner na siya ay transgender woman.