-- Advertisements --

Dinapuan ng COVID-19 si Tokyo Olympic gold-medalist weightlifter Hidilyn Diaz.

Sa kaniyang Instagram account, ay nag-post ito ng larawan ng kaniyang COVID-19 test result.

Pinayuhan din nito ang mga fans na sumunod sa ipinapatupad na health protocols.

Nakatanggap na rin ito ng COVID-19 booster shot noong Enero 4 sa Quezon City at nanawagan din sa iba na magpa-booster shots na rin.