-- Advertisements --
image 327

Umabot sa $3.03Million ang naging presyo ng isang Jersey ni NBA superstar Michael Jordan, matapos itong ipa-auction sa US.

Ang nasabing jersey ay isinuot ni Jordan noong 1992 Summer Olympics kung saan naiuwi ng team USA sa pangunguna ni MJ ang gold medal.

Ang nasabing team noon ay binansagang ‘DreamTeam’ dahil sa punong-puno ito ng magagaling na NBA superstar katulad nina Larry Bird, Magic Johnson, at iba pa.

Samantala, kasama sa auction ay ang isa pang olympic jersey na ginamit ni Jordan nang maglaro ang kanyang team sa semi-final round laban sa Lithuania. Ang nasabing jersey ay may pirma ang lahat ng 12 miyembro ng Team USA.

Magugunitang isa pang jersey ni Jordan ang una nang naibenta noong nakalipas na taon ng hanggang sa $10Million. Ang nasabing jersey ay kasalukuyang may hawak sa record ng pinakamahal na naibentang nagamit na sports memorabillia sa mundo ng Sports.

Ang nasabing jersey ay ginamit noon ni MJ sa opening night ng 1998 NBA Finals.