-- Advertisements --

Inimbestigahan ang 22 year old Hungarian swimmer na si Tamas Kendarasi dahil sa pangmomolestiya sa isang babae sa Gwangju na kung saan ay nagaganap ang world swimming championships.

Hindi pinayagan ng South Korean police na makaalis si Kendarasi sa loob ng sampung araw upang patuloy pang siyasatin sa naganap na insidente sa isang night club doon.

Ayon sa kaniyang team hinuli, kinwestiyon, at pinakawalan pansamantala ang nasabing swimmer sa athlete’s village sa Gwangju, South Korea.

Tikom pa rin ang bibig ng mga organizers sa alegasyong ipinaparatang sa Hungarian medalist dahil wala raw itong kaugnayan sa kompetisyon.