-- Advertisements --
Humingi na ng paumanhin ang organizers ng Paris Olympics matapos ang naganap na parody ng “The Last Supper” ni Leonardo da Vinci noong opening ceremony.
Umani kasi ng pagkondina at batikos mula sa Simbahang Katolika ganun din sa mga Christian groups ang ginawang pambabastos ng mga drag artists at dancers sa “The Last Supper”.
Sinabi ni Thomas Jolly, ang director ng opening ceremony na hindi ang “The Last Supper” ang ipinakita talaga sa eksena at ito ay tungkol sa Greek God na si Dionysus na dumating sa hapag kainan para makilahok sa kasiyahan.
Ang ideya aniya ay para gumawa ng kasiyahan sa pagan party na iniuugnay sa God of Mount Olympus.