-- Advertisements --

Tiniyak ng Tokyo Olympics chief ang ligtas na mga laro sa torneo kahit na patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Kasunod ito sa maraming panawagan na dapat ay kanselahin na ang nasabing mga laro dahil sa panganib ng dulot ng virus.

Ayon kay Tokyo 2020 President Seiko Hashimoto na wala sa isip nila ang pagkansela ng Olympics.

Patuloy aniya sila na mararamdaman ng mga tao na sila ay ligtas sa panonood.

Ilan sa mga lugar na rin aniya sa Japan ang nasa contagion controls para hindi na kumalat pa ang virus.

Magugunitang sinabi ng mga health experts ng Japan na nasa 4th wave na sila ng COVID-19 pandemic.

Nauna ng kinansela na rin ng organizer ang ilang events dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.