Sinimulan ng ilimbag ng International Olympic Committee (IOC), International Paralympic Committee (IPC) at Organising Committee of the Olympic and Paralympic Games Tokyo 2020 (Tokyo 2020) ang ikatlo at pinal na editions ng Tokyo 2020 Playbooks.
Magsisilbi itong komprehensibong gabay sa mga manlalaro at dadalo sa Tokyo Olympics na gaganapin sa susunod na buwan.
Isa aniya itong game plan para matiyak na ang mga Olympic at Paralympic Games participants at mga katao sa Japan ay mananatiling ligtas at malusog.
Ayon kay IOC Olympic Games Executive Director Christophe Dubi, ang Playbooks ay resulta ng halos isang taon na pakikipagpulong sa mga eksperto at ilang mga sports organisations.
Bagamat hindi nakasaad sa Playbooks ang mandatory na pagpapabakuna laban sa COVID-19, hinihikayat nila ang mga manlalaro at mga dadalo sa torneyo na magpaturok na ng bakuna.
Babala naman ni Olympic Games operations director ng IOC Pierce Ducrey na kanilang idi-disqualify ang mga manlalaro na lalabag sa nasabing playbooks.