-- Advertisements --

Bibigyang prioridad ng Japan na maturukan ng COVID-19 ang kanilang mga atleta na sasabak sa Tokyo Olympics.

Ayon kay government spokesman Katsunobu Kato, na kanilang pinag-uusapan ang nasabing posibilidad dahil sa tumataas ang kaso ng COVID-19.

Naging mabagal kasi ang vaccination rollout sa Japan na mayroon lamang isang milyon na first doses ang kanilang naibigay sa mga medical workers na nagsimula noong Pebrero.

Dagdag pa ni Kato na babantayan rin nila ang kalusugan ng kanilang atleta kasama na ang mga Olympic officials, Tokyo Games organizer at ang host city Tokyo officials.

Nauna ng nilinaw ni International Olympic Committee President Thomas Bach na hindi requirement ang pagpapabakuna sa mga atleta na sasabak sa Tokyo Olympics na magsisimula sa Hulyo 23.