-- Advertisements --
Pansamantalang tinanggal ng Paris ang Olympics logo na unang inilagay sa Eiffel Tower.
Kasunod ito sa batikos na pagtalapastangan umano sa iconic landmark ng Paris na Eiffel tower.
Sinabi ni Paris Mayor Anne Hidalgo na magsasagawa na lamang ito ng bagong Olympic rings at ibabalik ito sa sikat na landmark.
Inilagay nito ang nasabing Olylmpic rings doon bilang pag-alala sa pagiging host nila ng makasaysayang Paris Olympics.
Bagamat unang sinabi ng alkalde na magiging permanente na lamang ito ay iminungkahi na lamang nito na doon lamang ito ilalagay hanggang sa magsimula ang Olympics sa Los Angeles pagdating ng taong 2028.
Unang inilagay ang 30-toneladang steel rings noong Hunyo 7 at ito ay kanilang tutunawin na at irerecycle.