-- Advertisements --
image 407

It’s a yes! Engaged na ang Olympic skateboarder na si Margielyn Didal sa kanyang long time partner na si Jozel Manzanares.

Nangyari ang romantic proposal ni Didal, sa mismong 8th anniversary nila ng kanyang partner.

Ibinahagi nito ang isang larawan kasama si Jozel na teary eye pa habang ipinapakita ang kanyang singsing.

Matatandaan noong 2018, kung paano naging saksi si Jozel sa lahat ng pasakit na dinanas ni Margielyn sa kanyang pag- skateboarding mula sa nawalang ngipin hanggang sa bali ng collarbones hanggang sa pagkawala ng mga sponsor.

Pagbati naman ang natanggap ng dalawa sa kanilang fans at pamilya.