-- Advertisements --

Ibinunyag ng Olympic sprinter na si Mo Farah na siya ay iligal na dinala sa United Kingdom at pinilit na magtrabaho bilang alipin.

Sinabi nito na pinangalanan siya bilang Mohamed Farah ng mga nagdala sa kaniya sa UK mula bansang Djibouti, East Africa.

Ang totoong pangala talaga niya ay si Hussein Abdi Kahin.

Sa edad na siyam aniya ay dinala siya sa UK ng babae na una pa lamang niyang nakilala.

Paglilinaw niya na kaya niya ibinunyag ang nasabing pagpuslit sa kaniya ay para mapigil na ang trafficking at slavery.