-- Advertisements --

Pormal nang isinampa ang reklamong kriminal sa US District Court sa Washington, DC, laban kay US Olympic swimmer Klete Keller.

Una nang nakilala at nadiskubre ng mga otoridad na kabilang pala si Keller sa nanguna sa pag-okupa sa US Capitol noong nakaraang linggo bilang bahagi ng mga supporters ni US President Donald Trump.

KELLER 2
Klete Keller, 2-time Olympic gold medalist (grab photo from Townhall Media)

Nakilala si Keller dahil sa suot nitong USA Olympics team jacket nang makunan ng video habang nagpapang-abot ang mga police at protesters.

Madali ring nakilala ang swimming champion dahil sa ito ang pinakamatangkad sa crowd na nasa 6 feet 6 inches ang height.

Si Keller ay bahagi ng US swimming team noong 2000, 2004 at 2008 Olympics kasama noon ang swmming legend na si Michael Phelps.

Kabilang din ito sa relay team na nakasungkit ng gold medal sa 4X200m freestyle noong 2004 at 2008 Olympic.

Ang team nila ay hawak ang world record sa FINA World Swimming Championships sa Melbourne noong 2007.

Sa ngayon si Keller ay nag-resign na rin sa isang real estate company sa Colorado Springs, Colorado upang maiiwas ang kompaniya sa kahihiyan.