-- Advertisements --
May bagong petsa ng napili ang organizers ng Tokyo Olympics sa torch relay.
Isasagawa ang nasabing actibidad sa Marso 2021.
Ang nasabing aktibidad ay ipinagpaliban ngayong taon dahil sa banta ng coronavirus.
Nasa Japan na ang Olympic flame mula sa Greece na isinagawa ito bago pa man ang coronavirus pandemic.
Sa bagong petsa, magsisimula ang relay sa Marso 25, 2021 na magsisimula sa Fukushima region ang matinding tinamaan ng nuclear disaster noong 2011 dahil sa lindol at tsunami.
Iikot ang flame sa 47 prefectures ng Japan na may slogan na “Hope Ligths Our Way”.