-- Advertisements --
Tuloy na ngayong araw ang gagawing Olympic torch relay bilag hudyat ng pagsisimula ng Tokyo Olympics.
Sisimulan ito sa Fukushima prefecture ang lugar kung saan sinalanta ng malakas na lindol at tsunami noong 2011 na ikinasawai ng 18,000 katao.
Napili ng organizers na sa Fukushima simulan ang torch relay bilang pagbibigay pag-asa sa mga residente dahil sa malagim na pangyayari.
Napili ang nasa 10,000 na runners mula sa Japan ang magpapasa-pasa ng torch sa 47 prefectures ng Japan hanggang sa pagsisimula ng torneo sa Hulyo 23.
Dahil sa COVID-19 pandemic pinagbawalan ang mga tao na manood at nilimitahan na rin ang mga opisyal na dadalo sa nasabing okasyon.