-- Advertisements --
Inihayag ng Tokyo Olympics organisers na tuloy pa rin ang gagawing nationwide, socially distanced torch relay.
Naniniwala ang organizer na magiging ligtas na isagawa ang torch relay sa harap ng mga audience.
Mayroong 10,000 na runners ang magdadala ng torch sa 47 prefectures ng Japan.
Ayon kay Tokyo Games Vice-Director General Yukihiko Nunomura, na titiyakin nilang ligtas sa pagkakahawaan ng COVID-19 virus ang mga manonood ng torch relays at maging ang mga runners.
Magugunitang kinansela ang torch relays ngayong taon matapos na tuluyang ipinagpaliban sa susunod na taon ang Tokyo Olympics.
Magsisimula ang torch relays sa Marso 25, 2021.