-- Advertisements --
Natuloy na ang pagpirma ni Olympic wrestling gold medalist Gable Steveson sa exclusive contract sa WWE.
Sa kabila nito nakapaloob sa kasunduan o NIL marketing deal rule na ang isang NCAA athlete ay hindi pa rin mawawalan ng college eligibility kahit naglalaro na sa professional.
Kung maalala naging madrama ang panalo ni Steveson laban sa atleta ng Georgia na si Geno Petriashvili sa finals para sa gold medal sa 125 kg category sa wrestling event ng 2020 Tokyo Olympics.
Ang 21-anyos ay ang reigning NCAA Division I champion.
Meron pa siyang isang taon na natitira sa University of Minnesota at nakatakdang depensahan niya ang kanyang korona sa 285 lbs class.