-- Advertisements --
Inaasahan pa rin umano na maglalaro para sa team Canada sa FIBA World Cup si Miami Heat big man Kelly Olynyk.
Ito’y kahit na nagtamo ito ng pasa sa kanyang tuhod matapos lumahok ang Canadian cagers sa isang exhibition.
Sinabi ni national team coach Nick Nurse, nadulas si Olynyk noong third quarter ng panalo ng Canada kontra sa Nigeria sa isang FIBA exhibition game nitong Huwebes (Manila time).
Ayon pa kay Nurse, negatibo ang lumabas sa X-ray kaya hindi muna papalaruin si Olynyk ng isang linggo.
Si Olynyk ay bahagi ng national team ng Canada na nagsasanay para sa World Cup sa China.