Kinasuhan ng hip-hop artist na si Omar Manzano o kilala bilang si Omar Baliw ang nakakulong na si Pastor Apollo Quiboloy.
Ang kasong copyright infringement ay inihain ng rapper sa Pasig Regional Trial Court nitong hapon ng Lunes, Marso 24.
Ayon sa abogado nito na si Atty. Jeanne Castillo Anarna, na ang criminal complaint ay nagbunsod dahil sa paggamit ni Quiboloy ng kanta nitong K&B sa kaniyang campaign o political jingle.
Giit pa ni Anarna na ang kanta ay ginamit sa publiko, pinalitan ng walang kaalam-alam ang rapper.
Kasama ring kinasuhan nito ni ang SMNI President na si Dr. Marlon Rosete.
Sa panig naman ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon ay handa nilang sagutin ang kaso sa korte.
Una ng sinabi ng Filipino Society of Composers, Authors and Publishers (FILSCAP) at Intellectual Property Office of the Philippines na dapat ay magpaalam ang mga kandidato na gagamit ng kanta ng sinumang singer para sa kanilang kampanya.
Ang sinumang kandidato na mapatunayang guilty ay mahaharap sa disqualification o kasong kriminal sa ilalim ng Republic Act 8293.