-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pananakot o kaya diversionary tactics ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pagpapasabog ng eksplosibo sa palayan sa lalawigan ng Maguindanao del Norte.

Ayon kay Datu Odin Sinsuat chief of police Lt Col Nelson Madiwo na sumabog ang isang bomba na gawa sa 60mm high explosive sa palayan sa Barangay Benolen, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.

Nais lamang umanong manakot o diversionary tactics ng ilang mga armadong grupo para ilihis ang mga nagpapatrolyang mga pulis katuwang ang mga sundalo.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng mga otoridad ang pagpapatupad ng seguridad sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.