-- Advertisements --

Ibinasura ng Ombudsman ang natitirang plunder complaints laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ilang opisyal ng Philppine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

May kaugnayan ito sa paggamit ng P73 milyon confidential and intelligence funds (CIF) ng PCSO mula 2004 hanggang 2007.

Laman ng 10-pahinang resolution na may petsa noong Pebrero pero nitong Linggo lamang inilabas sa mga mamamahayag na ang mga kasong malversation of public funds and violation of Section 3 ng Ant-Graft and Corrupt Practices Act laban kay Arroyo, PSCO officials Rosario Uriarte, Sergio Valencia, Benigno Aguas, Gloria Araullo at Commission on Audit Assistant Commissioner Lourdes Dimapilis at Auditor Nilda Plaras.

Nagmula ang reklamo ng payagan ng dating pangulo ang paglabas ng confidential and intelligence funds at payagan si Uriarte at ang hiling ni Valencia ng karagdagang CIF ng walang kaukulang detalye at mga dokumento.

Aabot sa P57 million aniya ang nakurakot umano ng nasabing mga opisyal.

Nakasaad din sa resolution na walang anumang ebidensiya silang nakita sa sangkot na opisyal.