Siniguro ng Office of the Ombudsman na pinal at hindi na magbabago ang kanilang desisyon na masibak na sa pwesto si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) National Director Demosthenes R. Escoto.
Sa inilabas na walong pahinang joint order, hindi tinanggap ng OMB ang motion for consideration ni Escoto noong ika-5 ng Pebrero taong kasalukuyan para sa dismissal niya sa pwesto dahil sa mga kaso ng grave misconduct at conduct prejudicial to the service, pati na rin ang filing of graft charges.
Batay sa order, pananatilihin ng OMB ang kanilang naging tugon noong Pebrero na maaalis na nang tuluyan sa pwesto si Escoto kung saan kamakailan lamang ay naiangat ito at idineklara na na tuluyan na itong perpetually disqualified.
Ibig sabihin ay hindi na maaaring tumakbo o kumuha ng kahit anong posisyon sa gobyerno si Escoto.
Kabilang din sa parusa ang cancellation of eligibility, forfeiture of retirement benefits, at perpetual disqualification to hold public office nito.
Samantala, matatandaan namang nagugat ang mga kaso na ito ni escoto mula sa isang 2018 purchase ng mga transmitters at transrecievers para sa ntegrated Marine Environment Monitoring System Project Phase II (PHILO Project) ng BFAR.